Google
 

Monday, July 16, 2007

Sulat para sa 'ulirang' estudyanteng anak

Funny and sad. Similar to Bebeng, the US-based nurse, this is another satire of how we value education. Parents will do everything just to be able to send their children to school.

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, panagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA. Anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo.

Isasanla palan namin ang palayan natin para mabili mo na ung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportavle kaba jan sa boarding house mo? saan ba kamu yang VICTORIA COURT maganda ba dyan? di ba mainit jan, anak?

kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun?

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana. Walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL? Sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan.

Ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain? Ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal
Itang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.

Sor Victorina de la Providencia, Mother Superior of Daet Parochial School

HS Solo Graduation Pictures

DPS Class67 HS Graduates, 40 Years After

This Day in History

Today's Birthday