Google
 

Sunday, July 22, 2007

Kapayapaan Noong Wala Pang Kaunlaran

Here's another on the subject of nostalgia, which seems to have been the leading topic these past few days. This has already been posted in our e-group but this is the first time, it's being posted in our blogsite.

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...

as posted by Ed Canela
-----------------------------------
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
Sampung sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap:
makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan
(gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong,
"sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong
pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan);
sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli ng tutubi,
nandadakma ka ng palakang petot, pero ingat ka sa palakang saging dahil
sa kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas -suot mo pa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!Sana pwedeng maibalik...

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls.Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys. Tayo noon... Doon ... Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;

Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";

Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola! Yung crush mo?Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay-alembong, taeng-kabayo o biscocho?Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy. Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na almirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...

May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon... Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon... Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? "Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.

Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay............ MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin siya.

3 comments:

Daet Parochial School Class 67 said...

kaito enjoy ako pagsinusugong magbakal sa tindahan pag may baha, ok bagang magtamis-aw sa tubig, lalo na pag may naaging trak tapos na-alon-alon. never heard pa kaito an liptospyrosis (not sure about the spelling referring to the urine of rats). mas enjoy pag timing na nagdulceng tangkwa (kondol), ta magandang gibuhong baroto itong natada pagkatapos raspahon itong laman.

maorop man sana ako pagsinugo ni tatay na chain smoker na magbakal sigarilyong old gold, tapos naging pure gold, dahil libreng sine sa Rosalind pag may sampulong basyong kaha.

pag may singko sentimos, dalagan tulos sa tindahan ta may nababakal na kendi na 25 pieces, singko lang. bilog na iba-ibang kulay saka puro asukar.

may sarsaparilya, singko o diyes lang ito.

pagmay nag-abot haling manila na naglunad sa eroplano, may mga naarkilang kolorum na awto sa airport, an apud - "espesyalan".

pag-alas sais nin banggi, na kampana sa simbahan, an mga taong naglalakaw, napundo para magdasal.

pag miyerkules sa harong, narosaryo an pamilya mi pagkatapos magpamanggi. kastila an dasal, dapat na kaluhod sagkod dai pa na fourth mystery. pag nadakop kang nakatukaw na tulos, kudot an abot ko.

girom-dom nindo an mayflower pomade - itong nasa plastic na sadit, na makosog an parong. pag medyo class, tancho tique an gamit, pag medyo talagang class - dixie peach.

dai pa uso kaidto an violence against women and children - kaya grabe kaidtong magpakol an mga magurang. Pag si tatay na anggot, luhod, kursamano, tapos paha (sinturon) sa likod kan hita, ay naka shorts ka pa, di luwas an hita. kulog! pag si nanay, kudot saka tsinelas. garo marhay man naging resulta kan pagdisiplina!

simple pa talaga kaidto, dai pa komplekado an buhay.

But it doesn't mean that everything in the past was much better than things are now. Ogwang okey kaidto, ogwa man mas okey ngonian.

What is probably true is that modernity and advances in technology must be accompanied by the right values so that we will use them in the right way.

yanmaneee said...

golden goose
kd 11
adidas nmd
golden goose mid star
cheap jordans
moncler outlet
hermes belts
off white shoes
nfl jerseys wholesale
nike air force 1 low

renikash said...

More about the author Discover More Here check these guys out click for source explanation sites

Sor Victorina de la Providencia, Mother Superior of Daet Parochial School

HS Solo Graduation Pictures

DPS Class67 HS Graduates, 40 Years After

This Day in History

Today's Birthday