Google
 

Sunday, June 17, 2007

SA AKING PAGTANDA

Here's something to touch our hearts . . .

SA AKING PAGTANDA

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda, nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintidihan ang sinasabi mo, huwag mo naman akong sabihan ng "bingi", paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensiya ka na anak, matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana ako at tulungan tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng laruan, paulit-ulit mo yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy - amoy matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko, madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan ko din ikaw kahit amoy putik ka, at pinagtiyaggan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas ako ay masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maintindihan mo rin.

Kapag may kunti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa, walang kausap. Alam kong busy ka, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako ay magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay, tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana . . . dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina . . . .



Written by Rev. Fr. Ariel Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

1 comment:

Fechie said...

Hopefully, none of us will have to endure solitude during our aging process. Happy and lucky are those blessed with children. At least, you have someone you can count on. Mahirap sa katulad ko na walang anak. Solo sa buhay and hopefully not hanggang sa mamatay.
So, to all of us, let's age gracefully and healthy.

Ingat,
Fechie

Sor Victorina de la Providencia, Mother Superior of Daet Parochial School

HS Solo Graduation Pictures

DPS Class67 HS Graduates, 40 Years After

This Day in History

Founding of The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints (1830)

Shortly after Joseph Smith published the Book of Mormon in 1830, he officially founded The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints—also known as the Mormon Church—in Fayette, New York. The church flourished but was forced to relocate frequently. It was violently expelled from Missouri, and a mob killed Smith in Illinois in 1844. His successor, Brigham Young, led followers to Utah three years later. Tensions with the US government continued to escalate, culminating in what war? More... Discuss

Today's Birthday

Gerald Joseph "Gerry" Mulligan (1927)

Mulligan was an important baritone saxophonist and one of the best-known exponents of cool jazz, a delicate, understated offshoot of bebop. He began his career in the mid-1940s as an arranger for Gene Krupa and Claude Thornhill and played on the historic Miles Davis nonet recordings in 1949. He gained considerable success with the quartet he formed with Chet Baker in 1952, and he led ensembles of various sizes thereafter. Mulligan served jail time after he was arrested in 1953 for what? More... Discuss