Google
 

Saturday, September 29, 2007

HOLDAP

Please visit the following to listen to the music
http://picasaweb.google.com/gold50/Holdap03

By Gary Granada

Minsan ako ay nag-agahan
Doon sa bandang Nagtahan
Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan
At ang usap-usapan
Ay tungkol sa isang holdapan
Sa isang pampasaherong sasakyan

Nang aking nilapitan
Tamang-tamang naabutan
Ang isa sa biktimang nagsalaysay
At ang bukambibig
Niyaong mamang nanginginig
Salamat daw at siya’y naiwan pang buhay.

Chorus
Nanakawan na at naholdap si Juan
Nguni’t ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Nguni’t ang nagnakaw pa ang pinararangalan


Isang kinsenang kayod
Ang pinagpawisang sahod
Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw
Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente
At lolang halos di makagalaw

Relo, singsing at hikaw
Pati ngiping natutunaw
Sinimot noong disenteng lalake
Mabuti na lang daw at mabait iyong mamaw
Sila’y inabutan pa ng pamasahe.

Chorus
Nanakawan na at naholdap si Juan
Nguni’t ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Nguni’t ang nagnakaw pa ang pinararangalan



Nguni’t minsa’y namukhaan
Nitong kawawang si Juan
Ang holdaper kanya palang kapitbahay
Malimit mag-abuloy ng abubot at burloloy
Sa tuwing may okasyong pambaranggay

Siya ay kwelang kwela
Sa simbahan at eskwela
Bida kay bishop, kay judge, at kay kapitan
Taun-taon pati ay may medalya at plake
Ang magiting at dakilang kawatan

Chorus
Nanakawan na at naholdap si Juan
Nguni’t ang holdaper pa ang pinasalamatan
Nabaon sa utang ang bayan ni Juan
Nguni’t ang nagnakaw pa ang nasa PAMAHALAAN!

No comments:

Sor Victorina de la Providencia, Mother Superior of Daet Parochial School

HS Solo Graduation Pictures

DPS Class67 HS Graduates, 40 Years After

This Day in History

Founding of The Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints (1830)

Shortly after Joseph Smith published the Book of Mormon in 1830, he officially founded The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints—also known as the Mormon Church—in Fayette, New York. The church flourished but was forced to relocate frequently. It was violently expelled from Missouri, and a mob killed Smith in Illinois in 1844. His successor, Brigham Young, led followers to Utah three years later. Tensions with the US government continued to escalate, culminating in what war? More... Discuss

Today's Birthday

Gerald Joseph "Gerry" Mulligan (1927)

Mulligan was an important baritone saxophonist and one of the best-known exponents of cool jazz, a delicate, understated offshoot of bebop. He began his career in the mid-1940s as an arranger for Gene Krupa and Claude Thornhill and played on the historic Miles Davis nonet recordings in 1949. He gained considerable success with the quartet he formed with Chet Baker in 1952, and he led ensembles of various sizes thereafter. Mulligan served jail time after he was arrested in 1953 for what? More... Discuss